Inireklamo ng premyadong aktres na si Janice De Belen ang natanggap na item mula sa isang online seller, dahil mali umano ang nakuha niyang item na ipinadala nito sa pamamagitan ng isang sikat na online shopping platform, at ang mas nakakaloka, may kasama pa itong "dirty dripping wet item".

"Omg!!! Today I received my package!!! And to my surprise, I got this dirty dripping wet item! I don't even know what it is!!! But this isn't what I bought!!," naka-all caps pang saad ni Janice sa kaniyang Instagram post, kalakip ang kuhang litrato sa kaniyang mga natanggap na laman ng package.

Sinubukan daw makipag-ugnayan ni Janice sa online seller subalit hindi raw ito sumasagot sa kaniya. Tinawag itong "budol issues" ng actress-host.

"Tried messaging the seller but no answer! @shopee_ph I hope you can do something about budol issues like this!"

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Guys beware!"

Nagkomento naman dito ang kapwa aktres na si Arlene Muhlach na may katulad na karanasan din sa online shop na pinagbilhan ni Janice.

"Naku that happened to me with the same company. I deleted my account there," aniya.

Screengrab mula sa IG ni Janice De Belen

Sa latest Instagram post ni Janice ngayong Nobyembre 20 ay mukhang naaksyunan na ang reklamo ni Janice sa tulong ng online shopping platform.

"THANK YOU VERY MUCH @shopee_ph CUSTOMER SERVICE FOR YOUR QUICK ASSISTANCE!!! MUCH APPRECIATED😊😊😊," pasasalamat ni Janice.