Matapos ang ilang buwang "pananahimik" ay muling nasilayan sa isang showbiz event ang aktres na si Yen Santos upang personal na tanggapin ang parangal na "Best Actress" sa 45th Gawad Urian noong Huwebes ng gabi, Nobyembre 17, sa Cine Adarna ng UPFI Film Center sa University of the Philippines Diliman sa Quezon City.

Espesyal ito para kay Yen dahil ito ang kaniyang kauna-unahang acting award. At take note, natalo niya rito ang kapwa nominadong si dating ABS-CBN President Charo Santos-Concio na nominado para sa pelikulang "Kun Maupay Man It Panahon".

Natalo rin ni Yen ang iba pang nominadong sina Elora Españo ng "Love and Pain in Between Refrains)", Donna Cariaga para sa "Rabid", at Kim Molina para sa "Ikaw at Ako at ang Ending".

Special mention ni Yen si Paolo sa kaniyang acceptance speech na inilarawan niya bilang "super talented" at mahusay na aktor. Aminado rin si Yen na siya ang number 1 fan ni Paolo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/19/yen-santos-nagpasalamat-kay-paolo-contis-bilang-leading-man-ill-always-be-your-number-one-fan/">https://balita.net.ph/2022/11/19/yen-santos-nagpasalamat-kay-paolo-contis-bilang-leading-man-ill-always-be-your-number-one-fan/

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, kabadong-kabado raw si Yen at tila nanibago sa pagdalo sa awards night matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan niya, at ng leading man na si Paolo Contis, sa pelikulang nagpapanalo sa kaniya bilang pinakamahusay na aktres ng Urian, na "A Faraway Land".

Ito rin aniya kasi ang pinag-ugatan kung bakit naugnay si Yen kay Paolo, na siyang itinurong third party sa hiwalayan ng aktor sa dating partner at ina ng mga anak na si LJ Reyes, na "ka-level" na niya ngayon bilang Urian awardee.

Anyway, mas lalo raw kinabahan si Yen nang abangan siya ng showbiz reporters matapos niyang makuha ang tropeo ng parangal.

Siyempre, hindi raw niya naiwasan ang mga ito sa pagtatanong kung kumusta na siya matapos ang mga kinasangkutang kontrobersiya.

Simpleng "I'm okay" lamang daw ang itinugon niya sa kanila.

Samantala, makikita naman sa Instagram post ni Yen ang kaniyang mga litrato at tropeong natanggap.

"a moment I will treasure for a lifetime. 🥹🙏🏻," aniya.

Nagpaabot na rin ng pagbati sa kaniya ang leading man na si Paolo, na nominado rin sa pagka-Best Actor naman, subalit ang nag-uwi ng tropeo ay si John Arcilla, para sa pelikulang "On the Job: The Missing 8".

“Congratulations Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile," congratulatory message ni Paolo kay Yen kung saan itinag pa ito sa Facebook account nito. Sa kasalukuyan, hindi na makita sa FB ni Paolo ang naturang post.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/18/paolo-contis-proud-as-a-friend-kay-yen-santos-matapos-magwaging-best-actress-sa-urian/">https://balita.net.ph/2022/11/18/paolo-contis-proud-as-a-friend-kay-yen-santos-matapos-magwaging-best-actress-sa-urian/