Inaasahang tataas pang lalo ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Linggo ng gabi, Nobyembre 20.

Batay sa jackpot estimate ng PCSO nitong Sabado, maaaring umabot na sa P254 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58.

Wala pa rin kasing nakahula sa six-digit winning combination na 53-07-16-42-15-24 ng UltraLotto 6/58 na binola nitong Biyernes ng gabi.

Dahil dito, wala pa ring nakapag-uwi ng katumbas nitong jackpot prize na₱246,887,208.80 kaya’t madaragdagan pa ito.

National

Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara

Mayroon namang 33 mananaya ang muntik nang naging instant multi-milyonaryo matapos na makahula ng tiglimang tamang numero.Sila ay nakapag-uwi ng tig-₱120,000 na second prize.

Samantala, ang jackpot prize naman ng SuperLotto 6/49 na bobolahin din ngayong Linggo ng gabi ay aabot na sa₱50 milyon habang ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 ay papalo naman sa₱29 milyon sa Monday draw nito.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang SuperLotto 6/49 naman ay may bola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Ang MegaLotto 6/45 naman ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.