Pinadapa ng San Miguel Beer ang Phoenix Fuel Masters, 108-104, sa PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena sa Pasig nitong Sabado ng gabi kaya nananatili pa ring buhay upang makahabol sa playoff.

Kumamada si Simon Enciso ng 20 puntos tampok ang anim na tres, bukod pa ang pitong rebounds para sa Beermen.

Humakot naman ng 18 puntos ang kakamping import na si Devon Scott, dagdag pa ang 14 rebounds at anim na assists, habang si CJ Perez ay kumubra ng 16 puntos upang tulungang maiayos sa 4-5 ang rekord ng koponan.

Sa huling bahagi ng salpukan, nasa 13 ang bentahe ng San Miguel na kaagad na nilusaw ng Phoenix na nakuha pa ang abante, 99-98, matapos ang tres ni Tyler Tio.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Kaagad namang inapula ng Beermen ang umiinit na Fuel Masters, 105-99, matapos ang sunud-sunod na buslo ninaMoala Tautuaa, Perez, at Scott.

Humabol pa ang Phoenix at naibaba sa isa ang bentahe ng Beermen, 105-104, matapos magpakawalamuli ng tres si Tio.

Gayunman, hindi na nakahabol ng Fuel Masters matapos na pumasok ang free throw nina Scott at Perez.