Maagang binitawan ni Anne Patricia Lorenzo ang kaniyang Miss International Queen Philippines 2022 first runner-up title upang muling sumabak sa parehong kompestisyon sa 2023.
Ito ang ibinahaging anunsyo ng transwoman beauty queen nitong Sabado para na rin aniya sa ikalilinaw ng lahat.
“It has been my long-time dream to win the title in this prestigious pageant. Having said that, I truly believe that I have so much more to offer and be given another chance to showcase what I have and can do to win this competition, pagbabahagi ni Anne sa isang Instagram announcement.
“Hence, my decision to tender my resignation as 1st runner up last month on October 14th and after MIQ PH accepted it, I am now letting everyone know for transparency's sake,” pagpapatuloy niya.
Dumaan umano sa masusing pagpapasya ang naging desisyon ni Anne para sa muling pagtangka sa MIQPH title at mairepresenta ang bansa sa Miss International Queen pageant, ang pinakamalaki at pinaka-prestihiyusong pageant para sa mga transwomen beauty queens sa mundo.
“I have nothing but overwhelming appreciation for all the support and understanding. I would like to take this opportunity too to thank everyone in advance,” pagtatapos ni Anne.
Nito lang Oktubre, kinoronahan bilang Miss Q&A Kween of the Multibeks 2022 si Anne ng “It’s Showtime.”
Ngayon pa lang, tila target na ni Anne na masundan ang tagumpay ng Cebuana transwoman queen na si Fuschia Ann Ravena, ang reigning queen at Miss International Queen 2022.