Laugh trip sa mga kapwa netizen ang ibinahagi ng 24 anyos na accountant mula sa Valenzuela City matapos niyang ipakita ang natanggap na PSA ID o mas kilala bilang "National ID".

Ayon sa Facebook post ni "Joemar Santos Torres", sa tagal nang panahon bago niya natanggap ang inaasam-asam na ID, ay pumayat na siya ngayon, kung ikukumpara sa litrato niya rito.

"DEAR PSA, PUMAYAT NA'KO KAHIHINTAY," aniya sa caption.

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Benta! Hahaha. Baka kami, uugod-ugod na kami bago namin makuha hahaha."

"At least pumayat. Paano kung senior citizen ka na at saka lang dumating yan?"

"Ang LAYOOOO HAHHAHAHHAHA ang laki ng glow up mo, para ng id ng tatay mo yan HAHAHAAHAHHAHAHAA."

"Ako naman, tumaba na kakahintay haha."

Matatandaang minsan nang nag-trending sa Twitter ang "National ID" dahil marami pa rin hanggang ngayon ang hindi pa nakukuha o natatanggap ito, simula nang magsumite at magproseso sila ng aplikasyon para dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/02/national-id-trending-sigaw-ng-netizens-anong-petsa-na-kelan-namin-makukuha/">https://balita.net.ph/2022/10/02/national-id-trending-sigaw-ng-netizens-anong-petsa-na-kelan-namin-makukuha/