Viral na ang Facebook post na ibinahagi ng 24 anyos na male accountant mula sa Valenzuela City matapos niyang ipakita ang natanggap na PSA ID o mas kilala bilang "National ID".

Ayon sa Facebook post ni "Joemar Santos Torres", sa tagal nang panahon bago niya natanggap ang inaasam-asam na ID, ay pumayat na siya ngayon, kung ikukumpara sa litrato niya rito.

"DEAR PSA, PUMAYAT NA'KO KAHIHINTAY," aniya sa caption.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/19/lalaki-pumayat-na-raw-kahihintay-sa-national-id-kinaaliwan-sa-social-media/">https://balita.net.ph/2022/11/19/lalaki-pumayat-na-raw-kahihintay-sa-national-id-kinaaliwan-sa-social-media/

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kitang-kita nga ang malaking pagkakaiba sa litrato niya sa ID sa kasalukuyan niyang hitsura.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. Kaniya-kaniya namang hirit ang mga netizen, na kung si Joemar daw ay namayat, sila naman daw ay nanaba.

"Kami nga nanaba na hahaha."

"Benta! Hahaha. Baka kami, uugod-ugod na kami bago namin makuha hahaha."

"At least pumayat. Paano kung senior citizen ka na at saka lang dumating yan?"

"Ang LAYOOOO HAHHAHAHHAHA ang laki ng glow up mo, para ng id ng tatay mo yan HAHAHAAHAHHAHAHAA."

"Ako naman, tumaba na kakahintay haha."

"Kailan ko rin kaya matatanggap ang national id ko? Huwag naman sanang aabutin na maging senior citizen ako."

"BALIKTAD HAHAHA payat ako sa national id ko nevermind na lang ngayon."

"Sana all pumayat."

"Ako na tumaba."

"Ako nga napalitan na surname ko at status wala pa rin hahaha."

"May pag-asa pa tayong pumayat😂✌️mga sissy ,😅waiting parin po sa National ID."

Samantala, dahil sa Facebook post na ito ay muling nag-viral ang related post ng isang lalaking netizen noong 2021 kung saan nagmukha raw siyang may-ari ng salon sa litrato niya sa natanggap na national ID.

"I got my National ID, totoo nga ang balita na iba ang muka sa national ID! 🥴🙂 ( pakibalik po yung balbas ko ) MUKHANG MAY ARI AKO NG SALON HAHAHAHAH!," ayon sa caption ni Leonel Capucao II. Makikita rin ito sa Facebook page na "Note".

Matatandaang minsan nang nag-trending sa Twitter ang "National ID" dahil marami pa rin hanggang ngayon ang hindi pa nakukuha o natatanggap ito, simula nang magsumite at magproseso sila ng aplikasyon para dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/02/national-id-trending-sigaw-ng-netizens-anong-petsa-na-kelan-namin-makukuha/">https://balita.net.ph/2022/10/02/national-id-trending-sigaw-ng-netizens-anong-petsa-na-kelan-namin-makukuha/