Para sa 26-anyos na Kapamilya singer, walang magandang maidudulot ang pagrerebelde sa mga magulang, bagay na pinagsisihan niyang nagawa noon.

Ito ang isa sa highlights ng panayam kay iDolls member Enzo Almario sa online segment na “Hotspot” ni DJ Jhai Ho kamakailan.

Dagdag na payo niya sa mga kabataang nasa yugto ng pagrerebelde ngayon, mauuwi sa pagsisisi ang lahat na aniya’y dala ng paniniwalang alam na ng mga ito ang lahat.

“Hindi talaga,” testimonya ni Enzo.

Pelikula

Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula

Pagtatanto ng singer, masakit lalo para sa mga magulang ang madatnan ang anak na ang tingin sa kanila’y kontrabida ng kanilang buhay, aniya.

“Sobrang emotional ko pagdating sa parents kasi feeling ko hindi nila deserve yung nagawa ko sa kanila kasi adopted ako,” sunod na rebelasyon ni Enzo.

“Parehas kaming side na hindi naming pinili yung isa’t isa,” aniya pa na sa huli na niya napagtanto.

Pag-amin ni Enzo, dahil sa kaniyang pagrerebelde, umabot umano sa puntong hindi na niya kinikilala at nirerespeto ang mga magulang dahilan para masabihan umano siya ng masasakit na salita ng mga ito.

Pag-unawa ng singer, “deserve” din niya umano noong panahon na iyon.

Bata pa lang si Enzo, bukas na aniya sa kaniyang isipan na isa siyang ampon kaya kailanman, wala umano siyang galit sa naturang isyu.

Isang persons with disability o PWD ang biological dad ni Enzo, at dahil sa dami umano nilang magkakapatid at namulat din nang walang ina, hindi na umano nakayanan ng ama na tustusan ang kanilang pangangailangan noon.

Pagbabahagi pa ng young singer, ang kaniyang tito na tinawag niyang daddy, at isa pa, na kinalakihan niyang tatay ang unang kumupkop at nagbigay sa kaniyang mga pangangailangan.

Emosyonal at abot-abot naman ang pasasalamat ni Enzo sa kaniyang tatay.

“Yung daddy ko kasi, tito ko yun talaga, kadugo ko. Yung tatay ko, hindi ko siya kaano-ano. Pero siya yung mas nag-support sa akin, siya yung hindi sumuko sa akin, yung time na sumuko yung daddy ko sa akin,” pagbabahagi ng singer.

Pamilya ni Enzo Almario

“Sobrang thank you dahil hindi ka nag-give up sa akin. Kahit ilang beses na akong nawalan ng pag-asa, at direksyon sa buhay, nandiyan ka pa rin.

Maging ang bunsong kapatid ng singer ay kinupkop din mga tumayo niyang magulang ngayon.

“Salamat kasi sinuportahan nila ako nang buo. Sila talaga yong reason kong bakit ako nandito [sa showbiz]. Sila [yung] nagbukas sa akin sa mundong ito kaya sobrang thank you, pagtatapos ni Enzo.

Noong 2006, si Enzo ay unang nakilala sa child group na "Sugarpop". Noong 2019, ang queer singer ay isa mga naging semifinalists ng Idol Philippines sa ABS-CBN.