Ito ang ibinahagi ng isang netizen sa Facebook na umantig sa libu-libo dahilan para sa agad na mag-viral online.

Sa pamamagitan ng uploader na si Josephine Aguirre Pontillas, naibahagi ng estudyanteng si Francis Noel Soledad ang kaniyang kwento.

Sa kabila kasi ng karamdaman, patuloy pa ring lumalaban sa buhay si Noel kasabay ng kaniyang pagpupursiging makapagtapos ng pag-aaral.

Nasa ikaapat na taon na sa Technological University of the Philippines (TUP) si Noel. Ilang hakbang na lang para sa pinapangarap na Print Media Technology degree.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Dahil sa kawalan ng pinagkukunan sa araw-araw, napili ni Noel ang magtinda muli ng graham balls sa Central LRT 1 Station sa Maynila, bagay na aniya’y una na rin nagsalba sa kaniyang unang taon sa kolehiyo.

“Baka sakaling magawi po kayo sa bandang gilid ng Unibersidad De Manila (UDM) sa side na malapit sa LRT 1 Central Station at madaanan niyo po si Noel at ang mga paninda niyang graham balls na masarap sa tiyan at puso,” pagbabahagi ng uploader na si Josephine sa viral post, Huwebes.

“Kung may sobrang pera po kayo, sana po matulungan po natin siya dahil yung kikitain niya po sa pagtitinda ay gagamitin niya po para sa pag-aaral at gamutan niya,” pagpapatuloy niya.

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 143,000 reactions at 73,000 shares ang naturang post ni Josephine.

Samantala, maaari namang magpaabot ng tulong kay Noel sa pamamagitan ng mga numerong 0951-569-9764.

Sa kaniyang mga Facebook post, kilala rin si Noel sa ilang viral at inspiring reels.