May simpleng banat ang kontrobersyal na direktor na si Darryl yap sa mga netizen na galit o dismayado umano dahil sa pagganap ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang si "Ninoy Aquino" sa "Martyr or Murderer."

"Galit na naman kayo, di pa kayo magpasalamat, ang gwapo ng gaganap," sey ni Darryl sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Nobyembre 18.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nangyari ang pahayag matapos niyang i-reveal na si Isko ang gaganap na 'Ninoy Aquino' sa sequel ng 'Maid in Malacañang.'

“Isko Moreno as Ninoy Aquino,” saad ni Yap sa kaniyang caption.

“The Filipino is worth dying… INSIDE🎵🎶. #MoM2023 #MoM #MARTYRorMURDERER.”

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/19/isko-balik-showbiz-gaganap-na-ninoy-aquino-sa-mom/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/19/isko-balik-showbiz-gaganap-na-ninoy-aquino-sa-mom/

Samantala, trending topic din ngayon sa Twitter ang direktor na kung saan mababasa ang pagkadismaya umano ng mga netizen hinggil sa role ni Isko at sa pelikula.

"umay na umay na ko kay darryl yap at sa mga enablers niyang nagbibigay ng platform sakanya!"

"Kumukulo dugo ko sa isang Darryl Yap, lakas maka-mock ng mga matalinong tao, pati si Ninoy Aquino na nag-sakripisyo para sa mga Filipino tapos babastusin ng walang kalaban laban? Wala namang talent!"

"normalize blaming everything to darryl yap"

"I'd rather watch Inglorious Basterds rather than watching another propaganda movie by Darryl Yap"

"Darryl Yap is receiving salary from our tax money y'all."

"Kadiri ka Darryl Yap"

"After telling Leni to withdraw & getting only 1M votes, the former bold star turned trapo Isko Moreno is starring in another distasteful hatchet job by Darryl Yap against the Aquinos? Isn’t Ninoy Aquino a national hero with his own holiday? Other countries criminalize this right"

"Basahin ang legit na script hindi ang Fake News & Fiction na gagawa ng malikhaing utak ni Darryl Yap"

"Darryl Yap is making another shit movie WTF"

"Putangina darryl yap na naman. Pwede ka nang tumigil."

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang dating alkalde ng Maynila tungkol sa kaniyang pagganap.