Bawal tumanggap at humingi ng regalo ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ngayong Kapaskuhan.

Ito ang babala ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada nitong Sabado at sinabing iniiwasan lang ng gobyerno na mahaluan ng katiwalian ang ibinibigay na serbisyo sa publiko.

"Sa mga heads of agencies be good examples 'wag po kayong mag-so-solicit, 'yung division chief niyo mag-so-solicit lahat ay mag-so-solicit. Sabihan niyo ho sa baba na kung may magpadala ng regalo ay "no gift policy" kayo so 'wag na ho hirap mga tao, hirap magnegosyo at hirap mga operator 'wag na po dagdagan ang cause of doing business nila," panawagan ni Lizada.

"Gusto n'yo bang mapreso sa Pasko? When in government service 'yung ating pagseserbisyo walang kapalit we are servicing the public," aniya.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Sa ilalim aniya ng Republic Act 6713 at Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019), mahigpit na ipinagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan ang paghingi ng regalo, share, porsyento o benepisyomula sa mga kliyente, supplier at contractor.

Posible umanong masibak sa serbisyo ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan na lalabag sa nasabing batas.