Inaasahang magpatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, ayon sa pahayag ng Department of Energy (DOE) nitong Sabado.

Babawasan ng₱2.20 hanggang₱2.40 ang presyo ng bawat litro ng diesel habang tatapyasan naman ng₱0.90 hanggang₱1.10ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Ang napipintong oil price rollback ay inaasahan na ng DOE, ayon na rin saOil Industry Management Bureau director nito na si Rino Abad.

Isa sa dahilan aniya ng bawas-presyo ng produktong petrolyo ay ang mahinang demand mula sa top oil importer na China sa gitna na rin ng tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019 sa lugar.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Nagpatupad ng price adjustment sa gasolina at diesel ang ilang kumpanya ng langis nitong Nobyembre 15 kung saan umabot sa₱0.90ang itinaas sa bawat litro ng gasolina,₱1.35 naman ang idinagdag sa kada litro ng kerosene habang binawasan naman ng₱0.30sa presyo ng kada litro ng diesel.

Dahil sa sunud-sunod na oil price increase ngayong taon, umabot na sa₱18.15 ang itinaas sa presyo ng gasolina,₱36 sa presyo ng diesel at₱29.95 naman sa presyo ng kerosene.