Nagpalipad muli ng ballistic missile ang North Korea nitong Huwebes bilang aksyon sa pagpapaigting ng seguridad ng Estado Unidos sa AsiaPacific region.
Ito ang kinumpirma ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea nitong Biyernes at sinabing pinalipad ang naturang missile mula sa Wonsan area na isang naval base saKangwŏn province sa North Korea.
Naiulat na patungong silangang karagatan ng nasabing bansa ang pinakawalang ballistic missile.
Ilang oras bago ang nasabing hakbang ng North Korea, nagsagawa ng tinatawag na "pre-planned" missile defense exercise ang militar ng United States at South Korea sa karagatang bahagi ng Hawaii.
Matatandaang nagkaisa ang US, South Korea at Japan sa hiwalay na bahagi ngEast Asia Summit sa Cambodia nitong nakaraang linggo, na paiigtingin nila ang kanilang hakbang upang matigil na ang walang tigil na pagsasagawa ng ballistic missile test ng North Korea.
Ayon sa mga bansang miyembro ng Asia Pacific region, nangangamba sila dahil banta sa seguridad ang nasabing hakbang ng North Korea.
Agence France-Presse