CAMP OSCAR FLORENDO, La Union – Makalipas ang 33 taong pagtatago, nahuli na ang suspek sa kasong pagpatay na ibinilang bilang No.2 Provincial Top Most Wanted Person, sa kanyang pinagtataguan sa Barangay 13 Baay, Batac City, Ilocos Norte, noong Nobyembre 15.

Kinilala ni BGen. John Chua, regional director ng Police Regional Office-1, ang nadakip na si Nestor Bagaoisan, 63, residente ng Barangay 13 Baay, Batac City, Ilocos Norte.

Ayon kay Chua, si Bagaoisan ay dating Patrolman noong panahon ng Philippine Constabulary-Integrated National Police (PC/INP) at natanggal sa serbisyo dahil sa Absent Without Official Leave (AWOL).

Nagtrabaho ang suspek bilang security supervisor ng isang mall sa San Nicolas, Ilocos Norte hanggang sa masangkot ito sa kasong pagpatay sa isang construction worker noong 1984.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Isinampa ng Batac Municipal Police Station ang kasong murder sa korte laban kay Bagaoisan at inilabas ang warrant of arrest noong November 27,1989 sa sala ni Judge Reynaldo Maulit, ng Branch 18 ,Regional Trial Court, Batac City, Ilocos Norte, subalit mula noon ay nagtago na ang suspek.

Ayon naman kay LtCol. Adrian Gayuchan, chief of police ng Batac MPS, sa tulong ng cocncerned citizen ay nalaman nila na bumalik ang suspek sa kanilang bahay, kaya agad sila nagsagawa ng operation, kasama ang mga tauhan ng Provincial Special Enforcement Team, Ilocos Norte PPO, Provincial Intelligence Unit,101st Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 1 at 144thSpecial Action Company.

Ayon kay Gayuchan, hindi nakapalag ang suspek nang datnan at arestuhin siya sa bias ng warrant of arrest.

“Ang sabi ng suspek,kaya daw siya bumalik ay inakala niya na wala na siyang kaso, base sa sinabi sa kanya na okay na raw ang kanyang kaso.”