Nakatikim din ng unang panalo ang Terrafirma Dyip sa 26 na laro nito sa Philippine Basketball Association (PBA).
Nitong Biyernes ng hapon, sinagasaan ng Dyip ang NLEX Road Warriors, 124-114, sa PBA Commissioner's Cup sa Araneta Center.
Ipinamalas ni Dyip import Lester Proper ang kanyang double-double performance matapos makapagtala ng 50 puntos, 19 rebounds upang tapusin ang pagkabokya ng koponan mula pa noong Pebrero 2021.
Nasayang ang 17 puntos na bentahe ng Terrafirma sa huling yugto ng laro matapos itabla ito ng Road Warriors sa 108, pagkatapos maipasok ni Kris Rosales ang dalawang free throw.
Kaagad namang gumanti si Alex Cabagnot kaya nakuha nila ang abante, 110-108, ilang segundo na lang ang natitira sa final period.
Nagawang maipuwersasa overtime ang laro matapos ang buslo ng import ng NLEX Earl Rashad Clark.
Sa nasabing naturang extension period, pinilit na ng Dyip na maiuwi ang panalo kahit rumatsada nang husto si Clark sa nakolektang 45 puntos at 18 rebounds.