Kilig ang hatid ng Kapamilya star na si Maris Racal matapos muling iflex nito ang dyowang si Rico Blanco.

Sa isang Instagram post, Biyernes, isang matamis na shout-out ang hatid ng aktres para sa boyfriend.

“I kinda miss this person,” mababasa sa Instagram post ni Maris kalakip ang mga tatlong larawan nila ni Rico.

Pagtugon naman agad ng music producer, “I kinda mishu too.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa online lambingan ng showbiz couple, napa-sana all muli ang maraming fans at followers.

“Hala hala maraming puso ng sisigaw ngaun ❤️❤️❤️ sa kasiyahan po,” komento ng isang follower ni Maris.

“Pahingi rin ng isang Rico Blanco ❤️😍” reaksyon ng isa pang fan ng aktres.

“Magkamuka na kayo!!” obserbasyon ng isa pang fan sa harutan ng dalawang stars.

“Ay ang tamis!”

“Bakit ang cute niyo omg!!”

“Yey! Dami na namang masaya😍😅”

Umabot agad sa mahigit 105,000 likes ang naturang post ni Maris kasunod ng ng anim na oras.

Noong Mayo 2021 nang diretsang aminin ni Maris ang relasyon nila ni Rico.