Isang karangalan para kay dating Bise Presidente Leni Robredo na maging bahagi ng Democracy Forum sa pangunguna ng foundation ni dating US President Barack Obama.

Sa kaniyang Twitter post nitong Biyernes, Nobyembre 18, sinabi ni Robredo na marami siyang nakuhang takeaways mula sa forum na kung saan pinag-usapan nila ang tungkol sa disimpormasyon.

"Honored to be part of #DemocracyForum. Lots of takeaways from the invigorating conversation we had about disinformation and ways forward," anang dating bise presidente.

"I find hope in the collective commitment to the difficult but necessary work of strengthening our democracies," dagdag pa niya.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

https://twitter.com/lenirobredo/status/1593419994880409600

Ginaganap ang nasabing forum nitong Huwebes, Nobyembre 17.

Kahanay ni Robredo bilang speaker sina Dean Jelani Cobb ng Columbia Journalism School, award-winning investigative reporter ng The New York Times na si Nikole Hannah-Jones, WE ACT for Environmental Justice Executive Director Peggy Shepard, at technical research manager mula Stanford Internet Observatory na si Renee DiResta, bukod sa maraming iba pa.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/11/11/leni-robredo-magsasalita-sa-isang-global-convention-sa-new-york-city/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/11/leni-robredo-magsasalita-sa-isang-global-convention-sa-new-york-city/