Hindi na papayagan ang pagkansela ng appointment para sa mga Korean visa applicants, anang embahada ng South Korea sa Maynila nitong Biyernes.

Ang cancel button ay inalis ng Korean government sa kanilang website noong Nob. 18 para maiwasan ang “fraudulent appointments.”

Nangyari ito nang matuklasan ng embahada na ang ilang mga broker ay nagkansela ng kanilang sariling mga appointment upang ibenta sa mga talagang nag-a-apply para sa visa.

“This step was taken because the Embassy detected numerous cases where brokers reserved fraudulent appointments and sold their appointment slots to someone in need by cancelling their appointments on pre-coordinated dates and times,” sabi ng embahada noong Biyernes.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“Therefore, you are advised to take an extra caution when you make a visa appointment via the online platform,” dagdag nito.

Para sa mga kailangang kanselahin ang kanilang mga appointment dahil sa hindi inaasahang mga kadahilanan, pinayuhan ng embahada ang mga gagawa nito na "gamitin ang function ng pagbabago ng Notes in the Check reservation tab.”

“You are asked to put ‘Reservation Cancellation’ in the field of Notes at the Check reservation tab,” paliwanag ng embahada.

Nagbabala rin ito na ang mga aplikante na hindi kayang sumipot sa kanilang appointment nang hindi humihiling na kanselahin ang kanilang mga appointment ay "maba-blacklist" at "ang kanilang pag-access sa online platform ay tatanggihan."

“Please note that due to high volume of applications and shortage of consular staffs, waiting period for visa appointments is much longer than pre-pandemic times. Therefore, please be reminded that you must book your flights after securing a visa,” sabi nito.

Joseph Pedrajas