Proud at masayang ibinahagi ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang muling pagkilala sa kaniyang husay at natatanging pag-arte sa 2018 award-winning independent film na “Liway.”

Kinilala kasi ang aktres sa kamakailang 2022 FACINE o Filipino Arts & Cinema, International sa San Francisco, California, ang pinakamatandang Filipino film festival sa Amerika.

“It’s an honor po knowing that the winners were selected by an esteemed panel of three jury members: Film scholar, critic, author JB Capino, Indonesian film scholar, curator Gaston Soehadi and film and theater actor, academic Sunita Mukhi,” mababasa sa post ng aktres nitong Huwebes.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Taong 2018 pa inilabas ang materyal na “Liway” ni Kip Oebanda.

Una na rin itong kinilala ng 14th Cinelamaya Independent Film Festival sa iba’t ibang kategorya kabilang na ang Audience Award, Special Jury Commendation, at Special Jury Prize para sa pagganap ng dating actor na si Kenken Nuyad bilang “Dakip”

Ang Liway ay tungkol sa kuwento ni Kip, o “Dakip” noong kasagsagan ng 1972 Martial Law. Umikot ito sa kaniyang paglaki sa piitan kapiling ang rebolusyonaryong ina na si Cecilia Flores-Oebanda o Commander Liway ng New People's Army (NPA), na binigyang-buhay ng Kapuso actress.

Mapapanuod nang libre sa Youtube ang buong pelikula.

&t=1s