Nagtalaga na ng bagong deputy chairman at general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..

Ipinuwesto ni Marcos si dating Rizal vice governor Frisco San Juan, Jr. bilang deputy chairman ng ahensya habang si retired Police Col. Procopio Lipana na dati ring hepe ng Market Development and Administration Department (MDAD) ng Quezon City, ay uupo naman bilang general manager.

Si San Juan ay dating hepe ng Pasig River Ferry Service, isa sa alternatibong transportasyong ginagamit upang maibsan ang matinding trapiko sa lungsod.

Sa pahayag ng Office of the Executive Secretary, nanumpa na sa kanilang tungkulin sina San Juan at Lipana nitong Biyernes.

National

MMDA Gen. Mngr. Torre III, nagretiro na sa PNP service!

Binanggit din ng Malacañang na inilabas ni Marcos ang appointment letter nina San Juan at Lipana nitong Nobyembre 16.