Camp Francisco S. Macabulos, Tarlac City -- Sumuko sa awtoridad ang 55-anyos na dating rebelde noong Nobyembre 16, 2022 sa San Clemente, Tarlac.

Boluntaryong sumuko sa tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Mayantoc Police, at San Clemente Police si "Ka Josie," dating miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla-Tarlac-Zambales (KLG TAR-ZAM) sa ilalim ng pamumuno ni Janet Cruz alyas "Ka Libay" o "Ka Liway" na nag-o-operate sa munisipalidad ng San Clemente, Tarlac. 

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Isinuko rin ni Ka Josie ang cal.38 revolver at riffle-propelled grenade (RPG).

Ayon kay Tarlac Police Provincial Office Director PCOL Erwin O. Sanque na tutulungan ng PNP ang mga sumuko na makakuha ng tulong mula sa gobyerno kagaya ng cash assistance at hanapbuhay.

 “Those who wish to join the mainstream society are very much welcome. We are here to assist them in their reintegration,” ani PCOL Sanque.