TARLAC CITY -- Nag-withdraw ng suporta sa Communist Terrorist Group (CTG) ang pitong magsasaka mula sa Aniban ng Magsasaka Irrigators Association Incorporated (ANIBAN) ng Balingcanaway, Tarlac, noong Miyerkules, Nob. 16, sa Brgy. Ungot ng lungsod na ito.

Ang kanilang pag-withdraw ng suporta sa CTG ay kasabay ng paggunita ng ika-18 anibersaryo ng insidenteng nangyari Hacienda Luisita.

Bago ito, idineklara ng 37 miyembro ng Aniban bilang persona-non-grata ang Alyansang Magbubukid ng Gitnang Luzon (AMGL) at iba pang front groups ng CTG noong Nobyembre 15.

Ikinatuwa ng Northern Luzon Command ang desisyon ng mga miyembro ng Aniban na bawiin ang suporta mula sa miyembro ng Malayang Magbubukid ng Asyenda Luisita (MALAYA) mula sa CTG.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Sa mga Aniban, salamat,” ani Florida ‘Ka Pong’ Sibayan, chairwoman ng Malaya.

“Hindi kayo magsisisi sa ginawa niyong pagbabalik-loob,” dagdag pa niya.