Pinangunahan nila Zephanie Dimaranan, Janella Salvador, at Stell ng P-pop boy group na SB19, ang mga pasabog na performances mula sa ‘A Night of Wonder’ ng Disney+ kasabay nang paglunsad nito sa Pilipinas, Huwebes, Nobyembre 17, 2022.

Zephanie Dimaranan, Janella Salvador, at Stell (Disney+ Philippines/Twitter)

Isang musical event na may Pinoy twist anghandog ng Disney+ kung saan itinampok ang iba’t ibang tanawin at landmarks sa bansa habang ipinapakita ang mga palabas na maaaring mapanood kapag nag-subscribe sa streaming platform.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Top trending topic sa Twitter ang “STELL MAGICAL NIGHT” nang awitin ng miyembro ng SB19 na si Stell ang “Circle of Life” mula sa pelikulang “The Lion King.”

Trending din ang “Into The Unknown” mula sa Frozen 2 na siyang naging finale song sa performance niStell kasama sina Zephanie Dimaranan na siyang umawit naman ng “When You Wish Upon The Star” mula sa “Pinocchio at Janella Salvador na umawit naman ng “How Far I’ll Go” mula sa “Moana.”

Present din si Zack Tabudlo na nagbigay ng kanyang rendition ng awiting “Unstoppable."

Binigyang-buhay naman nina Christian Bautista at Morissette Amon ang mga classic Disney songs gaya ng “Beauty and the Beast” at “A Whole New World.”

Morissette Amon at Christian Bautista (Disney+ Philippines/Twitter)

Sina Robi Domingo at Catriona Gray ang naging host ng nasabing event.

Robi Domingo at Catriona Gray (Disney+ Philippines/Twitter)

Sa pagpasok ng Disney+ sa bansa, mapapanood na ng mga Pinoy ang iba’t ibang palabas mula sa Disney, Pixar, Marvel, Star Wars, National Geographic at Star.