ZAMBOANGA DEL SUR - Tatlong umano'y espiya ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Mindanao.
Sa pahayag niCol. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command sa Western Mindanao, ang mga nagboluntaryongsumurender ay kinilalang sinaBeviencia De Pedro, Macus Gudag at Mario Rote, pawang kaanib ng Guerrilla Front Big Beautiful Country (BBC) ng Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC) ng NPA.
Sina De Pedro at Gudag ay sumuko Barangay San Pablo, Dumingag, Zamboanga del Sur nitong Biyernes ng umaga habang si Rote ay nagbalik-loob sa pamahalaan sa Brgy. Makuguihin sa Molave ng naturang lalawigan, nitong Huwebes.
Isinuko rin ng mga ito ang kani-kanilang armas na senyales ng katapatan ng pakikiisa sa gobyerno para sa mapayapang komunidad.
Idinahilan naman ni Verceles, kinumbinsi ngDumingag Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) ang tatlo na magbagong-buhay upang makapiling ang lanilang pamilya ngayong Kapaskuhan.
Nakatakda ring tumanggap ng livelihood assistance ang mga sumukong rebelde, ayon pa sa pulisya.
PNA