Nakumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang aabot sa ₱136 milyong halaga ng illegal drugs sa ikinasang pagsalakay sa isang shabu laboratory sa Ayala-Alabang Village sa Muntinlupa nitong Biyernes ng madaling-araw na ikinaaresto ng dalawang suspek.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawa na sina Aurelien Cythere, 41, at Mark Anthony Sarayot, 42.

Dakong 12:30 ng madaling araw nang salakayin ng PDEA ang nasabing laboratoryo sa 34 Mabolo St., Ayala-Alabang Village sa bisa ng search warrant na inilabas ng hukuman.

Bukod sa shabu at mga kemikal sa paggawa ng illegal drugs, nasamsam din ng mga awtoridad ang ilang identification cards, tatlong cellular phone at assorted financial documents.

National

Meralco, tapyas-singil sa kuryente ngayong Mayo

Tinutukoy pa ng PDEA ang mga kasabwat ng dalawang suspek.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang dalawang suspek.

Chito Chavez