Magco-concert sa Araneta Coliseum ang TV host-actress na si Toni Gonzaga sa Enero 20, 2023 para sa kaniyang ika-20 anibersaryo sa showbiz.
Ibinahagi niya ang detalye sa kaniyang Instagram account nitong Huwebes, Nobyembre 17.
"I AM grateful to be able to do this on my birthday Jan. 20, 2023! I will be celebrating my 20th anniversary at the Araneta Coliseum," saad ni Toni.
"What a journey!! Thankful for the past, excited for the present and looking forward to the future! Hope to see you there!"
Bukod sa kaniya, excited na rin ang malalapit niyang kaibigan sa showbiz kagaya nina Mariel Padilla, Karla Estrada, Vina Morales, Andrew E., atbp.
Biro pa ng kapatid niyang si Alex Gonzaga, baka puwede raw siyang mag-guest sa concert dahil raket din daw 'yun.
"YAY!!!!!! Baka pwedeng mag-guest raket din yan " sey ni Alex.
Samantala, mapapanood sa big screen ngayong Disyembre si Toni kasama ang komedyanteng si Joey de Leon para sa kanilang MMFF movie na "My Teacher."