Hindi pa umano natatanggap ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ang subpoena kaugnay sa imbestigasyon sa pagpatay kay veteran broadcaster Percival "Percy Lapid" Mabasa.

“Wala pa kong natatanggap. Sabi nila doon deemed served,” paglilinaw ni Bantag sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes.

“Pero sabi naman ng barangay chairman doon na ever since na matanggap ko yung BuCor hindi na ako umuuwi doon dahil malayo. So wala din silang iniwan doon na subpoena,” aniya.

Paglilinaw nito, nais niyang dumalo sa preliminary investigation ng kaso, gayunman, ikinokonsidera pa rin nito ang payo sa kanya ng mga abogado nito.

Eleksyon

Luke Espiritu, ikinalugod 6M bumoto sa kaniya ‘kontra dinastiya’: ‘Dapat manginig na sila!’

Si Bantag ay pinagbibintangangmastermind umano sa pagpatay kay Lapid.

“Sa preliminary procedure, puwede akong pumunta puwedeng hindi, pero pinag-uusapan namin na gusto ko kasing pumunta doon.Peronag-re-relydin po kasi ako sa mga lawyers kasi hindi naman ako abogado. Mas sila kasi ang nakakaalam ng laban na ganyan,” aniya.

Nitong Martes, sinabi ni Assistant State Prosecutor Charlie Guhit ng Department of Justice (DOJ) na itinuturing na naisilbi na ang subpoena sa bahay ni Bantag sa Caloocan City.

Kamakailani, knasuhan si Bantag, kasama sa National Bilibid Prison Supt. Ricardo Zulueta at iba pang mga preso, matapos silang isangkot sa pamamaslang kay Lapid at sa umano'y "middleman" sa kaso ng nasabing mamamahayag na siCristito Villamor Palaña o Jun Villamor.

Matatandaang pinagbabaril ng mga hindi nakikilalang lalaki si Lapid habang sakay ng kanyang kotse sa labas ng BF Resort Village, Las Piñas City nitong Oktubre 3 ng gabi.