Usap-usapan ngayon ang TikTok video ng dating senador at vice presidential candidate na si Atty. Kiko Pangilinan, tungkol sa kaniyang mga naobserbahan sa presyo ng pangunahing produkto sa Pilipinas at Australia.
"Presyo pa lang ng sibuyas, mapapaluha ka na agad. Ang solusyon sa pagpapababa sa mahal na bilihin? Suportahan ang ating mga food producers — ang ating mga magsasaka at mangingisda," ayon sa caption ng dating senador sa kaniyang TikTok entry.
"Galing lamang ako sa Australia the other week. Sa Sydney. Maniwala kayo sa hindi, ang isang kilo ng red onions ay ₱112. Dito sa atin, ₱250"
"Ang isang kilo ng white onions sa Australia ay ₱75. Dito sa atin, halos ₱200 mahigit, more than double, almost triple ang halaga ng ating sibuyas kumpara sa Australia."
"And the solution is to support our producers---our farmers and fisherfolk. Kaya kung nais nating magkaroon ng murang pagkain, murang karne, murang gulay, bigyan ng todo-bigay na suporta sa ating mga farmers at fisherfolk.," paalala pa ni Pangilinan.
Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng pagkukumpara si Pangilinan sa presyo ng mga bilihin sa Pilipinas at ibang bansa.