Itataas na ang singil sa tubig sa pagpasok ng 2023, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Ito ay makaraang aprubahan ng MWSS ang hiling ng Manila Water Company at Maynilad Water Services, Inc. na rate increase.
Paliwanag ni MWSS Regulatory Office chief regulator Patrick Ty, ang rate rebasing adjustments ng dalawang water concessionaire ay mararamdaman ng mga customer ng mga ito mula 2023 hanggang 2027.
Iptutupad ng Manila Water ang taas-singil na P8.04 per cubic meter simula sa 2023, P5 per cubic meter sa 2024, P3.25 per cubic meter sa 2025, at P1.91 hanggang P3.00 per cubic meter sa 2026.
Hanggang P1.08 per cubic meter naman ang ipatutupad sa 2027.
Ang kita sa taas-singil ay gagamitin umano sa P180 bilyong operational requirements nila sa susunod na limang taon.
Humirit naman ng P3.29 per cubic meter na water rate adjustment ang Maynilad simula sa Enero 2023.
Sisingil din ang Maynilad ng P6.26 increase sa 2024, P2.12 sa 2025, at P0.84 hanggang P1 mula 2026 hanggang 2027.
Ang dagdag-singil ay para mapondohan umano angP150 bilyong expansion plan na ipatutupad sa loob ng susunod na limang taon.