Hindi pa nagtitinda ng NFA rice na₱25 kada kilo ang mga Kadiwa store ng Department of Agriculture (DA).

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa paglulunsad nito ng "Kadiwa sa Pasko" sa Mandaluyong nitong Miyerkules, na nag-aalok na ang National Food Authority (NFA) ng₱25 kada kilo ng bigas.

Depensa naman ni DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS)chief Junibert de Sagun nitong Huwebes, limitado pa ang suplay nito.

"Kahapon nung nag-launch, meron NFA rice sa mga Kadiwa pero 'yung regular na Kadiwa natin na tumatakbo ng ilang buwan na, eh para mabigyan naman ng pagkakataon 'yung magsasaka na makapagbenta ng bigas. So balancing act 'yan. Yung nakaraan, palay 'yan ng local farmers," sabi pa ng opisyal sa isang panayam.

Nakikipag-ugnayan pa aniya sila sa NFA upang malaman kung mayroon pa silang sapat na bigas na kayang suplayan ang 200 Kadiwa store sa buong bansa.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

"Sa ngayon, ang regular na Kadiwa, ang ibinebentang bigas diyan, ay bigas ng mga magsasaka, hindi siya NFA Rice. Pero,siguro, with the directive of the President, lalagyan natin ng NFA Rice in coordination with the National Food Authority," lahad ni De Sagun.

Binanggit niya na ang Kadiwa ay proyekto ng DA kung saan pinapayagan ang mga magsasaka na magbenta ng kanilang produksyon sa abot-kayang presyo.