Ililipat na sa detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa TaguigCity ang komedyante at television host na si Vhong Navarro kaugnay sa kinakaharap na kasong rape na isinampa ng kontrobersyal na modelong si Deniece Cornejo.
Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI)-Security Management Section nitong Miyerkules.
Sinabi ng NBI, ikukulong si Navarro sa BJMP-Male Dormitory sa Camp Bagong Diwa sa Taguig alinsunod sa kautusan ng Branch 69 ng Taguig Regional Trial Court.
Inilabas ang kautusan matapos ibasura ng korte ang mosyon ng kampo ni Navarro na manatili ito sa NBI detention center "dahil sa banta umano sa kanyang buhay."
Kinukumpletopa ng NBI ang lahat ng papeles upang mailipat na ng kulungan si Navarro.
Gayunman, isasailalim muna si Navarro sa mandatory medical examination, kabilang ang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test alinsunod na rin saipinaiiralna health protocol.
Noong Enero 17, 2014, ginahasa umano ni Navarro si Cornejo sa condominium unit nito sa Bonifacio Global City.
Itinanggi ni Navarro ang alegasyon.
Matatandaangsumuko sa NBI si Navarro nitong Setyembre 19 sa kasong Acts of Lasciviousness na inihain ni Cornejo.
Matapos magpiyansa, hindi na pinakawalan ng NBI si Navarro nang ilabas ng hukuman ang warrant of arrest nito sa kasong rape.