Binalaan ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa inaasahang matinding pag-ulan dahil na rin sa namataanglow pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao nitong Miyerkules.

Sa abiso ng PAGASA, huling namataan ang LPA 445 kilometro silangan ng General Santos City nitong 3:00 ng hapon.

Nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang LPA na inaasahang magdulot ng matinding pag-ulan saEastern Visayas at Mindanao, ayon sa PAGASA.

Maapektuhan naman ng malakas na pag-ulan angBicol Region, Quezon, Aurora, at Isabela.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Dahil dito, nagbabala ang ahensya sa posibleng flash flood at landslide sa mga tinukoy na lugar.

Ellalyn De Vera-Ruiz