Magandang balita dahil umabot na sa 68 ang bilang ng mga bagong overhaul na bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules, nabatid na nadagdagan pa ng isa kahapon, Nobyembre 15, ang mga overhauled na bagon.
Anang DOTr, sa kabuuan ay apat na lamang sa 72 na mga bagon ng MRT-3 ang nakatakdang ma-overhaul ng maintenance provider ng linya.
Nabatid na sa ilalim ng overhauling, kinukumpuni at pinapalitan ng bago ang mga lumang piyesa ng mga bagon, bilang bahagi ng maintenance program ng mga ito.
Upang matiyak naman na ligtas ibiyahe sa mainline, dumaraan din anila ang mga bagong overhaul na bagon sa serye ng speed at system check.
Ang MRT-3 na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, ang siyang nag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City