Inihayag ni dating pangulo ng America na si Donald Trump ang kaniyang pagtakbo sa 2024 presidential election, ayon sa kaniyang mga pahayag nitong Martes, Nobyembre 15.

“America’s comeback starts right now,” saad ng 76 anyos na si Trump sa harap ng kaniyang mga tagasuporta, na nagtipon-tipon sa American flag-draped ballroom sa palatial Mar-a-Lago residence sa Florida, USA.

“I am tonight announcing my candidacy for president of the United States,” pahayag pa ni Trump, na naghain na ng mga pormal at opisyal na papeles para sa kaniyang kandidatura, bago ang pag-anunsyo nito sa publiko.

Muling tatakbo sa panig ng Republicans si Trump. Matatandaang noong 2020 electionay tinalo siya ni Democrat Joe Biden, na siyang kasalukuyang pangulo ng USA.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'