Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na umabot na lang sa 810 ang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) nitong Miyerkules.

Ito ang pinakamababang naitalang kaso ng sakit kada araw sa loob ng halos dalawang linggo sa bansa.

Tumaas na rin sa 4,020,965 ang kabuuang tinamaan ng Covid-19 sa Pilipinas. Naitala rin ng DOH ang kabuuang 18,824 na nakarekober sa sakit nitong Nobyembre 16.

Nilinaw ng DOH, nakitaan pa rin ng mataas na bilang ng Covid-19 cases sa Metro Manila, Region 4A, Western Visayas, Central Luzon at Central Visayas sa nakaraang dalawang linggo.

Panawagan pa ng ahensya, magsuot pa rin ng face mask upang makaiwas sa sakit.