Sinuspindi na rin ang tatlong referee ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na nag-officiate sa laban ngDe La Salle-College of Saint Benilde (CSB) at Jose Rizal University Heavy Bombers kung saan nangyari ang pananapak ni JRU forward John Amores sa ilang manlalaro ng Blazers kamakailan.

Sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules, sinabi ni NCAA-Investigation Committee memberHercules Callanta, kabilang sa sinuspindi sinaAnthony Sulit, Dennis Escaros, at Antonio Baguion.

Iniimbestigahan na aniya ang tatlong reperi.

"'Yung peripherals, yung security, referees and officiating, those are still forthcoming. They are under preventive suspension at the moment," aniya.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

"Automatic 'yan, if there's an unfortunate incident that takes place, there's an automatic preventive suspension. Until they're cleared, they're not allowed to officiate," ani Callanta.

"I don't want to preempt the results of the investigation cause we're still going to go through all the footage from different angles as well as accounts from both sides, JRU and Saint Benilde,"

Nitong Nobyembre 8, itinigil ang laro nang biglang sugurin at suntukin ni Amores ang mga manlalaro ng CSB.

Dahil sa insidente, pinatawan kaagad ng suspensyon si Amores at nitong Miyerkules, inanunsyo ng JRU na tinanggal na nila sa koponan si Amores.