Ito ang chika ng celebrity beauty doctor at TV host-vlogger sa kamakailang content sa YouTube kasunod ng kanila ring pagdalo sa Milan Fashion Week.

Noong Setyembre, kabilang sa mga present sa nasabing fashion week sina Dr. Vicki Belo at Alex Gonzaga.

Habang honored ang host na maimbitahan ni Vicki, isang chika naman ang naisingit ng dalawa sa isang random interview sa YouTube.

“Pero ‘di tayo pinansin ni Heart. Hoy Heart!” paghirit ng celebrity doktor sa usapan nila ni Alex kaugnay ng fashion week.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Oy ano ‘to mars [Heart]? Sa Manila magkakaibigan tayo,” sunod na hirit ni Alex.

“Mars [Heart] we’re on the same fashion show hindi ka man lang nag-hi,” dagdag ng celebrity doctor.

“Mars, nanood ako ng ‘Luna Mystika,’ mars,” pilyang pagpapatuloy ni Alex habang binabanggit ang dating palabas ng aktres.

“‘Di ba nandoon kami sa Gucci, front row din tayo ‘di ba,” dagdag muli ni Vicki.

“Nanuod kami ng ‘Hiram,; soap opera mo, ‘Panday.’ Mga soap opera niya sinuportahan natin siya, sana naman suportahan niya tayo dito [fashin week],” nakakatawang pagpapatuloy ni Alex.

Basahin: Bakit nga ba suki si Heart sa fashion week? Celebrity socialite, may simpleng sagot – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa trending na &t=182s">Youtube vlog ni Heart kamakailan, kapansin-pansin ang lagare nitong schedule sa kaliwa’t kanang pagdalo sa ilang fashion show suot ang naglalakihang luxury brands.

Wala pang reaksyon ang Kapuso actress ukol sa sinabi nina Alex at Vicki.

&t=60s