PANGASINAN -- Pinara sa isang checkpoint sa ilalim ng Oplan Sita ang isang tricycle driver para sa inspeksyon ng mga dokumento at driver's license ngunit ito ay nauwi sa pagka-aresto dahil nahulihan ito ng umano'y shabu sa Brgy. Balayong, San Carlos City, noong Lunes, Nobyembre 14.

Kinilala ang naarestong tricycle driver na si Ronnel Paragas, 32, residente ng Brgy. Bolingit, San Carlos City, ayon sa ulat ng Pangasinan Police.

Sinabi ng checkpoint investigator na ang suspek na sakay ng kaniyang tricycle ay na-flag down ng mga tauhan ng mga tauhan ng San Carlos PNP para sa inspeksyon ng Oplan Sita.

Gayunpaman, nang hilingin sa kaniya na ipakita ang kaniyang lisensya at dokumento, kapansin-pansin umano ang pagiging balita si Paragas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Habang binubuksan niya ang kaniyang pouch para kunin ang kaniyang lisensya, isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang aksidenteng nahulog mula sa pouch ng lisensya.

Kinumpiska rin ng pulisya ang tricycle nito. Dinala naman ang nakuhang 0.14 gramo ng shabu sa Urdaneta City Forensic Unit para sa laboratory examination.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Sec 11 ng RA 9165 ang tricycle driver.