Nanawagan si Senadora Grace Poe na dagdagan ng P500M ang pondo ng Commission on Elections (Comelec) sa 2023. Ito ay upang maisagawa ang planong pagpapatayo ng sariling gusali ng komisyon.

Sa naganap na sesyon ng plenaryo ng Senado nitong Nobyembre 14, sinuportahan ni Poe ang pagpapatayo ng sarili gusali ng Comelec sa Pasay City.

“I think it is reasonable for us to assume that really every major government agency should have a proper place and specially Comelec to have a proper venue to be able to store whatever election documents the have, to be able to operate efficiently and comfortably because we notice that every now and then, Comelec always figures in some fire incident and it is usually after a contested election so I think maybe in this new facility hopefully it will be state of the art at least when it comes to safety standards," anang senadora.

“Iba talaga pag may sariling tahanan, ikaw naman ay nagrerenta, tinatapon mo lang ang pera dun, ito mas mabuti, may equity na,” dagdag pa nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinang-ayunan naman ni budget sponsor at chair ng Committee on Electoral Reforms and People’s Participation Sen. Imee Marcos ang rekomendasyon ni Poe.

Aniya, ang karagdagang pondo ay maaaring kunin sa savings ng Comelec na nagkakahalaga ng P981 milyon.

Noong Hulyo, nasunog ang tanggapan ng Comelec na nakaapekto sa information technology department nito.

Sinabi ni Poe na ang sunog ay kadalasang nangyayari pagkatapos ng isang pinagtatalunang halalan.

"So I think, siguro, sa bagong facility na ito, sana, maging state-of-the-art — at least, pagdating sa safety standard."

Sa ilalim ng House General Appropriations Bill, may alokasyon ang Comelec na P1 bilyon para sa pagpapatayo ng gusali nito.

Matatandaan na nauna nang humingi ng P1.5B budget ang Comelec para simulan ang pagpapatayo ng gusali subalit aabot lang sa P500 milyon ang ibinigay ng Department of Budget and Management.

Pagkatapos ng deliberasyon, inaprubahan ng Senado ang P6.49 bilyon para sa 2023 budget ng Comelec.