Matapos ang dalawang taong pagsasagawa ng virtual pageant dahil sa pandemya, balik face-to-face na ang mga aktibidad at mismong coronation night ng Miss Earth ngayong 2022.

Sa naganap na press presentation sa Cove Manila sa Parañaque City, Lunes, Nobyembre 14, 2022, ipinakilala na ang 91 kandidatang maglalaban-laban para sa korona.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Apat ang pinarangalang “Darling of the Press” sa pagtatapos ng press presentation. Isa sa bawat rehiyon ang mga nagsipagwagi. Ito ay sina Esther Ajayi mula Nigera, Andrea Aguilera mula sa Colombia, Merel Hendriksen ng Netherlands at ang sinasabing Taylor Swift look-alike na si Sheridan Mortlock ng Australia.

Larawan mula sa FB page ng Miss Earth

Larawan mula sa FB page ng Miss Earth

Larawan mula sa FB page ng Miss Earth

Larawan mula sa FB page ng Miss Earth

Mainit din ang suporta kay Jenny Ramp na siyang pambato ng Pilipinas sa nasabing pageant.

Sa darating na Nobyembre 16, magpapasiklabang muli ang mga Earth warriors mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa gaganaping swimsuit competition sa Zamboanga City.

Nakatakda ring libutin ng mga kandidata ang iba’t ibang sikat na destinasyon sa bansa gaya ng Cebu, Palawan, at Tarlac.

Ipapasa naman ni Miss Earth 2021 Destiny Wagner ng Belize ang korona sa kaniyang magiging successor sa darating na Nobyembre 29, 2022.