Itinuwid nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Morly Alinio sa kanilang online showbiz/entertainment show na "Showbiz Now Na" noong Nobyembre 12 ang una nilang napag-usapan at naibalitang baka umuwi na sa Pilipinas ang "Queen of All Media" na si Kris Aquino sa darating na Enero 2023.

Matatandaang nasa Amerika si Kris upang magpagamot sa napakarami niyang health concerns.

Pagtatama ni Cristy, isang source daw mula sa Amerika ang nagtuwid nito at hindi raw ito totoo. Hindi raw makakauwi si Kris sa Pilipinas dahil "mahinang-mahina" pa ito. Napakasensitibo nito sa kinakain at tanging liquid food lamang ang inilalagay sa sikmura.

Ang kuwento pa, hindi pa raw makalakad nang mag-isa si Tetay at kailangan pa ng alalay.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"She can't even move! She can't even walk! Makakalakad lang siya kapag kasama ang PA o isang nurse," salaysay ni Cristy.

Kung babasahin daw punto por punto ang ipinadalang mensahe sa kaniya ng source mula sa kinaroroonan ni Kris, hindi pa raw garantisado ang pagbabalik ng lakas ng actress-TV host. Hindi umano ito nakalalakad o nakatatayo nang matagalan kaya kailangan pang isakay sa wheelchair.

Marami umanong mga Pilipino ang nakakakita sa kalagayan ni Kris ngayon, lalo na iyong mga nasa ospital daw.

Hindi rin daw totoo ang balitang nadagdagan na ang timbang ni Krissy.

"Baka nabawasan pa?" sundot na tanong ni Morly.

"Hindi naman niya sinabi, pero payat pa rin," tugon naman ni Cristy.

Tiyak daw na marami na naman ang malulungkot para kay Kris, ani Morly.

Sey naman ni Cristy, kaya umano sila naglalatag ng kuwento patungkol kay Kris Aquino ay upang matuwa ang mga kapwa Pilipino, mga tagasuporta, at pamilyang matutuwa sa mga impormasyong ilalatag nila.

"Wala pang kasiguraduhang makakauwi siya sa Pilipinas," muling pagdidiin ng showbiz-columnist-host sa ">vlog.