Patuloy ang pamamayagpag ng global pop superstar na si Taylor Swift matapos muling manguna sa pinakabagong Billboard Hot 100 chart na inilabas ngayong Martes, Nobyembre 15, 2022.

Sa pangatlong sunod na linggo, nananatili sa unang puwesto ang lead single ng “Midnights” album ng singer-songwriter na “Anti-Hero” na may kabuuang 51.3 milyong radio airplay audience impressions, 31.1 milyong streams, at humigit-kumulang na 327,000 na benta ayon sa mga datos na galing Billboard.

View this post on Instagram

A post shared by billboard (@billboard)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, tila hindi naman masaya ang rapper na si Drake matapos nitong takpan ng mga emoji ang “Anti-Hero” at ang pangalan ni Taylor Swift sa screenshot ng resulta ng Hot 100 chart na naka-post sa kaniyang Instagram story.

Screengrab mula sa IG ni Drake

Walong kanta ang sakop ni Drake mula sa kaniyang bagong “Her Loss” album ang pasok sa Top 10 ng nasabing music chart.

Halo-halo naman ang naging reaksiyon ng netizens sa nasabing post ng rapper. May mga nagsabing petty ang rapper, habang ang ilang “Swifties” naman ay dedma lang at masaya para sa tagumpay ng kanilang idolo na nauna nang gumawa ng kasaysayan sa Hot 100 matapos sakupin nito ang buong Top 10, dalawang linggo na ang nakalilipas.

Ang awiting “Anti-Hero” ang pansiyam na number 1 hit ni Taylor Swift sa kasaysayan ng Billboard Hot 100 chart.