Matapos ang halos apat na taon, tila nakahanda na muling sumabak sa national pageantry si Miss International 2018 first-runner up Ahtisa Manalo.

Ito’y kasunod ng mga ibinahaging larawan sa kaniyang social media nitong Lunes, kung saan isang pahiwatig na rin ang iniwan ng beauty queen sa fans.

Wala pa ring kupas ang alindog ng pambato ng Quezon province sa mga larawang pinitik ni Justine Navato.

Dahil sa pambihirang online update ng beauty queen, agad na inulan ng pagkasabik mula sa fans ang inaabangan nang comeback ni Ahtisa sa pageantry.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Sali ka na ate, iiyak na ‘ko dito oh,” paghikayat ng isang follower kay Ahtisa.

“Join ng MUPH 2023 o barang?” nakakaaliw na banta pa ng isang fan.

“Hawak namin jowa mo Ahtisa kapag 'di ka sumali sa MUP haharvaten namin s'ya,” dagdag na nakakatawang pagbabanta ng isa pang follower.

“Kahit hindi sa Miss U basta gusto namin makita kang e represent ulit ang country natin kasi magaling ka..Panalo ka sa’min. We are still proud of you for raising our flag in international pageant as First Runner-up love yahhh!!😚😚

“Gagalawin ang baso o kami mag bibigay sayo ng baso?”

“'Pag ‘di ka sumali Ahtisa susugod kami sa bahay n'yo.”

Sa isa pang komento ng netizen na naghihimok na galawin na ng beauty queen ang baso, tila isang malinaw na pahiwatig na ang tugon ni Ahtisa.

“Shot puno!” anang beauty queen.

Screengrab mula Facebook

Matatandaang sasabak sana sa Miss Universe Philippines 2020 si Ahtisa ngunit dahil sa medikal na kadahilanan, umatras ang beauty queen.

"Believe me that I want to give you the fight you want to see, but I honestly don't think I can manage to physically perform the duties of a candidate as this surely involves physically draining tasks," aniya noong 2020.

Matapos ang halos tatlong taong pamamahinga, tila all-set na ang most awaited comeback sa Philippine pageant scene.

Basahin: Miss Universe Philippines, bukas na rin sa kababaihang may asawa na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Nob. 7, nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon para sa successor ni Celeste Cortesi ang Miss Universe Philippines.

Magpapatuloy ito hanggang Enero 29, 2023.