Anim na katao ang inaresto ng pulisya matapos mahulihan ng P390,320 halaga ng hinihinalang shabu sa mga buy-bust operation sa Taguig.

Noong Nob. 14, inaresto ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Taguig police si Roderick Deguia, 35, isang cell phone technician, sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Capistrano Extension Barangay Hagonoy.

Nakuha kay Deguia ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 4.4 gramo na may halagang P29,920 at P200 buy-bust money.

Sa Barangay Upper Bicutan sa Taguig, sinimulan ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) DEU at District Mobile Force Battalion ang buy-bust operation sa kahabaan ng J.P. Rizal Street noong Nob. 14.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naaresto ng pulisya ang limang suspek na kinilalang sina Fe Posadas, 53; Mary Jane Prado, 52; Saida Abidin, 47; Komery Matindi, 38; at Masnaden Ayob, 46.

Nasamsam sa operasyon ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 53 gramo at nagkakahalaga ng P360,400.

Lahat ng anim na suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni SPD chief Brig. Gen. Kirby John Kraft ang mga operating team para sa kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Jonathan Hicap