LOPEZ, Quezon -- Sugatan ang tatlong laborer matapos na bumagsak ang bahagi ng ginagawang convention center sa Lopez National Comprehensive High School sa Brgy. Magsaysay nitong Martes ng umaga sa bayang ito.
Kinilala ng Lopez Municipal Police Station ang mga biktima na sina Benedict Eliaga Aquitania, welder, residente ng Brgy. Peñafrancia sa bayan ng Gumaca; Rosen Oblena Fulgencio, 21, binata, residente ng Brgy. Burgos; at Romeo Padayag Talento, 57, binata, residente ng Brgy. Magsaysay.
Rumesponde ang Lopez PNP sa insidente nang malamang isinugod ang tatlong biktima sa Magsaysay Hospital ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).
Dakong alas-9:10 ng umaga nang mag-collapsed ang steal beam na ginagawa ni Aquitania. Nauna siyang mahulog at natamaan ang dalawa pang biktima.
Ang mga biktima ay nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan.
Tinulungan ng MDRRMO at Lopez PNP ang mga biktima at naglatag ng seguridad sa paligid ng convention Center.