Isa ka rin ba sa mga nagbabalak na mag-resign kapag nakuha na ang 13th month pay? 

Kung isa ka sa mga nagbabalak na mag-resign, narito ang legal life hacks ni Atty. Chel Diokno na kaniyang ibinahagi sa kaniyang social media accounts.

"Gustong mag-resign pero sayang ang 13th month pay?" bungad ni Diokno sa kaniyang TikTok video.

Ipinakita rin niya ang ilan sa mga meme patungkol sa 13th month pay. Aniya, mali raw ang mga ito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"Kahit mag-resign ka this December, entitled pa rin kayo sa 13th month pay. Sa ilalim ng batas, lahat rank-and-file employees sa private sector ay entitled sa 13th month pay basta't mayroon silang at least 1 month of service (during the calendar year)," paliwanag ni Diokno.

"Ibig sabihin niyan, hindi man matapos ang taon dapat may makuha ka pa rin. Ang 13th month pay ay kino-compute ayon sa tagal ng pagtatrabaho. Total basic salary earned during the year divided by 12 months equals proportionate 13th month pay," dugtong pa niya.

Nagbigay rin siya ng mga halimbawa kung paano pa ito kompyutin. 

Bukod dito, binanggit din ng human rights lawyer na ayon sa batas dapat ibigay ang 13th month pay bago at hindi lalagpas ng Disyembre 24.

At kapag nag-resign naman ang isang empleyado, ibibigay ang 13th month pay kasabay ng final pay.

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1592478300437630976