Tila hindi pa maka-get over ang karamihan sa eksena ni Andrea Torres bilang Sisa sa hit Kapuso teleserye na “Maria Clara at Ibarra," kaya naman kinagiliwan ang performance ng drag queen na si Andy Crocker sa isang nightclub sa Taguig City.

National

Pag-turnover ni VP Sara kay Sen. Angara sa DepEd, gaganapin sa Hulyo 18

Mismong si Andrea ay napahanga sa mahusay na transformation ng drag queen bilang Sisa.

"Oh wow," lahad ng Kapuso actress, na may kasama pang clapping, heart, at hug emojis.

Masaya namang ibinahagi ni Andy sa kanyang TikTok account ang komento ng Kapuso actress na may caption na “Sisa approves!”

Ibinahagi rin ni Andrea sa kanyang Facebook account ang nasabing performance ng drag queen.

Ekslusibong naka-panayam ng Balita Online si Andy tungkol sa kanyang reaksyon nang mapansin mismo ni Andrea ang kanyang performance.

“Kinilig ako kasi sobrang galing ng performance ni Andrea sa Maria Clara at Ibarra, super napabilib niya yung audience sa acting niya,” saad ni Andy.

“She even sent me a message na if ever I will do it again message ko raw sya para mapanood niya ako ng live sa Nectar Nightclub,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Andy kung paano siya naghanda para sa kanyang kakaibang drag performance na siyang kinagiliwan ng marami.

“Two to three days ako nag-prepare. Nag-ukay ukay ako para mahanap yung bawat parts ng costume. Tapos before the performance, nag-method acting at set ako ng mood, about moms and losing a family member,” aniya.

Sa huli, ayon kay Andy dapat abangan pa ng drag at Maria Clara at Ibarra fans ang mga susunod niya pang transformation.

Mapapanood ang “Maria Clara at Ibarra” sa GMA 7 tuwing alas otso ng gabi.