Muli na namang may mapakikinggang bagong mapanakit na kanta mula sa tinaguriang “Queen of Hugot Songs” na si Moira Dela Torre.

Viral sa kaniyang serye ng Facebook posts mula Linggo hanggang ngayong Lunes ang mga linya sa bagong kantang “Aking Habang Buhay.”

Unang ibinahagi ng singer-songwriter ang tanong na, “paano ba magtiwala?” sa isang post, Linggo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Moira Dela Torre/Facebook

Agad itong tumabo ng nasa mahigit 157,000 reactions sa pag-uulat.

Sinegundahan niya ito ng mga salitang, “pano kung iwanan ko ang lahat, tas iwanan mo lang rin ako.”

Sa hiwalay na linya nitong Lunes, agad na tumabo ito ng nasa mahigit 98,000 reaction sa pag-uulat.

Moira Dela Torre/Facebook

Ang mga patikim na salita ay bahagi sa upcoming single ni Moira na tampok sa pelikulang “An Inconvenient Love” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ang comeback film ng Star Cinema ngayong taon sa darating na Nob. 23.

Kaniya-kaniya namang reaksyon ang libu-libong netizens sa panibago namang potensyal na trending hugot songs mula sa singer-songwriter.

“Tama na po Ate Moira sobrang sheket na po!🙁

“Ang masakit pa nun, yung bihis na bihis ka tapos hindi ka pala kasama!”

“Love supposed to give you happiness... Hindi pain.. hindi doubt.. hindi sadness.”

“Bat mo naman iiwan lahat. Do not center your life to only one person, that is idolatry. Center your life to God, that way you will be sure, secure and will never go wrong.”

“The greatest mistakes we make are the risks we didn't take... If you think something will make you happy, go for it... So you won't live your life asking ‘what if’ and telling yourself ‘if only.’”

“May next ride pa Ate Moi, madelay ka lang talaga. Hirap maiwanan talaga. Maghihintay ka. Pero okay lang kasi di siksikan, makakapili ka ng magandang pwesto, komportable at payapa.”

“At least you've tried, the most scariest thing is to live with what if's and regrets.”

“Huwag ka na mag Jowa Moira.”

“if he's the right one, ‘iwanan ang lahat’ is not an option kasi you don't have to.”

“Do not allow yourself to just be an option because you deserve to be the priority.”

“Grabe kana Moira.”

“Type "STOP MOIRA" and send to 2366.”

Sa pagtatapos na seryeng “2 Good 2 Be True,” dalawang kanta rin ni Moira ang milyun-milyong beses na napakinggan ng listeners.

Trending ang mga kantang “Kumpas,” at “Babalik Sa’yo” na ginawan pa ng kaliwa’t kanang cover sa iba’t ibang social media platform.

Si Moira ang tinaguriang most-streamed Filipino artist sa kabuuang discography sa ilang music streaming sites.