Nakapanayam ng tinaguriang "Queen SawsaweRRa with a heart" na si RR Enriquez ang dalawang dating PBA players na sina Rico Maierhofer at Jayjay Helterbrand hinggil sa pinag-usapang panunugod at panununtok ni JRU Heavy Bombers player John Amores, sa dalawang manlalaro ng kalabang College of St. Benilde Blazers, sa laban nila sa National Collegiate Athletic Association o NCAA Season 98 basketball game noong Nobyembre 8.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/09/basketball-mistulang-nauwi-sa-boksing-dahil-kay-john-amores/">https://balita.net.ph/2022/11/09/basketball-mistulang-nauwi-sa-boksing-dahil-kay-john-amores/

Naging dahilan ito upang mapatawan siya ng indefinite suspension ng NCAA gayundin ng mismong paaralan niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/10/john-amores-sinapak-ng-indefinite-suspension-ng-ncaa-jru/">https://balita.net.ph/2022/11/10/john-amores-sinapak-ng-indefinite-suspension-ng-ncaa-jru/

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod dito, balak umano siyang sampahan ng kaso kaugnay ng pananapak na kaniyang ginawa.

Hiningan ni RR ng kanilang reaksiyon at opinyon ang dalawang PBA players tungkol sa insidente. Nagbigay naman ng payo ang dalawa bilang "kuya" na sa kanilang propesyon, na mapapanood sa &feature=emb_logo">vlog ni RR.

Ayon sa dalawa, bagama't aminadong may malalaking pagkakamali sa bahagi ni Amores, dapat daw ay bigyan ng isa pang pagkakataon ang basketball player, hindi man ngayon, ngunit sa darating pang panahon. Kailangan umano nitong pag-aralan ang tinatawag na "anger management" lalo't hindi umano maiiwasan sa game ang tensiyon at pressure upang manalo. Hindi rin kasi ito ang unang beses na nakapanakit si Amores.

"I feel bad for the kid kasi we don't know what he's going through. The game, when it's intense like that, our emotions get the best of us," ani Jayjay.

Saad pa niya, "At the same time, we can't lose control like that. Very unfortunate incident. Sa'kin sana mabigyan siya ng second chance. He's still young. He's got a great future ahead of him. Daming galit sa kaniya, of course hindi naman kasi tama 'yung ginawa niya."

Para naman kay Rico, mahalagang matutuhan muna niya ang pagkontrol sa kaniyang emosyon.

"Ngayon kung hindi mo maha-handle 'yung emotions mo, hindi para sa'yo ang basketball… I'm sure pinagsisisihan niya 'yung ginawa niya. Kasi from what I heard, affected din 'yung scholarship niya. affected 'yung school niya, affected yung future niya… Wala ka pa sa PBA tapos ganiyan ka na, mahirap na situation para sa kaniya."

Kaya naman payo ng mga "kuya" sa kanilang propesyon, huwag raw sanang panghinaan ng loob si Amores na abutin ang kaniyang mga pangarap sa larangan ng basketball. Sa ngayon, kailangan muna niyang tanggapin ang mga ipinataw na parusa sa kaniyang ginawa.

"There's no doubt pangarap mo 'yan kaya ka nga nagsusumikap, kaya ka nagpapraktis everyday with your teammates sa school mo, sa team mo is maabot mo 'yung naabot namin."

"I-take mo lahat yung punishment pero never give up on your dreams," payo ng dalawang PBA legends.