Matagumpay muli ang ikalawang leg ng “Where You At” (WYAT) tour ng P-pop group SB19 sa Avalon Hollywood, Los Angeles sa California nitong Nob. 12.

Pinilahan, at jampacked ang venue kasunod ng pagdagsa ng parehong Pinoy at fans mula sa Amerika.

Ito na ang ikalawang successful concert ng grupo sa US kasunod ng kanilang matagumpay na pilot leg sa Palladium Times Square sa New York kamakailan.

Samantala, isa naman sa mga present sa LA concert ng P-pop kings ang American singer-songwriter na si Jamie Miller.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Sa kaniyang social media, inilarawan ng “Here’s Your Perfect” singer na isang “great show” ang WYAT treat ng grupo.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng grupo sa mga dumalo sa ikawalang leg ng WYAT sa Amerika.

“A dream come true with you, Los Angeles! 🙏Eternally thankful for the time we had together. Until the next concert? 😊” mababasa sa social media post ng grupo nitong Linggo.

Sunod na magtatanghal ang grupo sa Fox Theatre Redwood City sa San Francisco, California sa darating na Nob. 18.